Showing posts with label litratong pinoy. Show all posts
Showing posts with label litratong pinoy. Show all posts

Thursday, July 17, 2008

LP # 5 : Luntian



Narito ang aking ika-limang lahok sa "Litratong Pinoy" para sa huwebes ng linggong ito na may temang "Luntian". Ito ay isang kuha ng aking anak habang kinukulayan nya ang isa sa kanyang mga "Pre-K Workbooks". Sa edad na 3.5, and munting batang ito ay talagang nahuhumaling sa pagkukulay ng buwayang ito gamit ang kanyang kulay LUNTIANG krayola. Ako ay natutuwa na makita ang kanyang pagunlad sa kanyang mga bagong natututunan. Sya ay talagang nagsisikap na hindi lumagpas sa labas ng mga guhit kumpara sa mga unang gawa nya noong sya ay nagsasanay pa lamang.

Maligayang Huwebes sa inyong lahat! :p

---------------------------------------------

Here's my 5th entry to our "Litratong Pinoy" group for this week's theme "Luntian" or Green color. This is a shot of my daughter's work while she's coloring one of her Kumon's pre-K workbooks. At age 3.5, this little girl really enjoys coloring this corcodile with her green crayon. I'm happy to see that she's improving in terms of her new learned skill. She's really trying hard now not to color outside the borders as compared from her works before when she was just starting. :p

Happy Thursday to all! :p

Thursday, July 10, 2008

LP # 4 : Balingkinitan



Ito ang aking pang-apat na lahok sa lingguhang tema ng Litratong Pinoy. Sa linggong ito, ang tema ay "Balingkinitan".

Ito ay kuha ng dalawang "Stilt Walkers" na nakita namin minsang nagtungo kami sa Mall Of Asia. Napakagaling ng mga taong ito at dapat lamang na ipagmalaki nila ang kanilang trabaho. Dahil sa totoo lang, hindi biro ang pagtayo sa dalawang balingkinitang bakal ng ilang oras para lang makapag-bigay saya sa mga tao. Sila din ay lumalakad lakad sa paligid, minsan naman ay tumatakbo ng hindi nabubuwal!...Ang galing! :p

-----------------------------------------------------

This is my 4th entry to the weekly theme of "Litratong Pinoy" or "Filipino Photos". For this week, the theme is "Balingkinitan" or "Slim, Slender, Thin".

This is a shot of the two Stilt Walkers that we saw one time we went to Mall of Asia. These entertainers are really awesome and should be proud of their job. It's not that easy to stand in steel sticks for hours just to entertain the crowd. They walked around the viscinity and sometimes they run without tilting!...Amazing! :p

Thursday, July 3, 2008

LP # 3 : Tatak Pinoy



Matatawag nating ito na isa sa pinaka importanteng gamit panglinis ng ating mga kabahayan. Marami ng makabago at modernong kagamitang panglinis ang naimbento ngayon upang mapanatili nating malinis ang ating kapaligiran partikular sa loob ng bahay. Ngunit kung ako ang inyong tatanungin, hindi ko ipagpapalit ang ating nakasanayan ng gamitin mula pa sa ating kanunununuan. Ang tawag dito ay Walis Tambo. Kinunan ko ang larawang ito noong kami ay nagtungo sa Baguio nuong nakaraang tag-init. Ito ay isang totoo at ipinagmamalaking produkto ng Pilipinas.

---------------------------------------------------------

We can call this as one of the most important tool to clean our house. There are so many new and modern type cleaning equipments are being invented today to keep our sorroundings clean particularly the interior part of our houses. But if you are going to ask me, I will not trade our native product that still came from our ancestors. It 's called "Walis Tambo". I've got this photo when we went to Baguio last summer. This is a one true and proudly Philippine made product.

Thursday, June 26, 2008

LP # 2: Pag-aaral



Ako ay labis na nasisiyahan na makita ang aking anak na babae na nagugustuhan nya ang eskwelahan. Wala akong pagsisisi na ipinadala ko agad sya sa eskwelahan sa murang edad, sya ay tatlo't limang buwan na taong gulang pa lamang. Ang aking munting intensyon ay upang matutunan nya kung paano makipaghalubilo. Ang pag-aaral kung paano magbasa at magsulat ay dadating din. Si Sam ay ang nagiisang bata sa aming tahanan at wala syang ibang kalaro na pwedeng makipaglaro. Sa eskwelahan, makakgawa sya ng mga bagong kaibigan at matututunang makipaghalubilo sa ibang bata na kapareho ng kanyang edad. Noong una, akala ko na puros paglalaro lang dahil ang edad ng mga "nursery" ay nahuhulog sa eded na pagitan sa tatlo hanggang apat na taon. Hindi ko naisip na ang pag-aaral kung paano magbasa at magsulat ay kaagad na parte na ng kanilang kurikulum. Sya ay may limang aklat, mayroong arawang gawaing aklat at dagdag na gawaing pambahay. Hala!...ang mga bata sa henerasyong ito ay nagiging masyado ng nauuna. Isa pa sa nakakpagpasaya sa akin ay ang makita na sya ay may nagagawang maganda sa kanyang klase. Palagi syang merong mga tatak ng "Very Good" at "Behave" sa kanyang mga kamay tuwing matatapos ang kanyang klase. :)

----------------------------------------------------------------------------

I am very happy to see that my daughter is really enjoying the school. I don't have any regrets that I send her at an early age, she's only 3.5 years old. My only intention was to improve more her socialization skills. Learning how to read and write will surely come at a latter part. Sam is the only kid in the house and doesn't have any playmates to play with. In school, she can make new friends and will learn how to interact with other kids of her age. At first, I thought that it's only more on the playing part since the age bracket of nursery falls between 3-4 y/o. I didn't realized that learning how to read and write is already part of their curriculum. She has 5 books, having their daily workbook activities plus homeworks. Oh my...the kids in this generation is getting more advance. What makes me more happier is to see that she's doing very well in her class. She always have these Very Good Star and Behave stamp on each of her hands every after class. :)

Thursday, June 19, 2008

LP # 1 : Itay


Ito ay kuha ng aking asawa at ng aming pinakamamahal na anak na babae. Kuha ito noong mga panahaon na narito ang aking asawa para sa kanyang taunang bakasyon mula sa kanyang pag-hahanapbuhay sa labas ng bansa. Ito ay yung pagkakataong natutulog silang mag-ama. Kinuha ko agad ang aking kamera at ang pagkakataon na kunan itong pinakmamahal na sandali.

---------------------------------------------

This is a shot of my hubby and our precious daughter. This was taken during the time that my hubby was here having his annual vacation from his job overseas. This was the time that they are both sleeping. Grabbed my camera and took the chances to capture this precious moment.


Google